“Yes, hindi ko na dapat pang patagalin ang pagsagot ko sa iyo, Vincent. Dahil mahal na mahal kita, hindi nagbago iyon sa mga taon na nagdaan,” wika ko sa kaniya. Wala akong narinig na salitang lumabas sa bibig ni Vincent. Bagkus naramdaman ko na lamang ang dahan-dahan nitong pagsuot ng singsing sa aking daliri. Hindi ako makapaniwala na mangyayari ang tagpong ito kasama si Vincent. Ang akala ko lamang noon ay hanggang doon na lamang kaming dalawa. Hindi ko rin akalain na magpoprose sa akin si Vincent muli na maging boyfriend ko. Dahil sa mahal ko na talaga siya, hindi ko na pinatagal pa ang pagsagot sa kaniya. Alam ko naman at napatunayan ko na ang buo at totoo nitong nararamdaman sa akin, simula pa noong una at hanggang sa pinakamidilim kong punto ng buhay ko. Noong nasa high school

