May isang linggo na mula nang makabalik sila sa kanilang trabaho sa barko matapos ang kanilang two-day staycation sa Santorini. Isang linggo na rin mula nang pormal na maging magkasintahan sina Sandra at Adriano. Just like the ordinary couples, naging masaya ang pagiging magkasintahan nilang dalawa sa loob ng isang linggo. Animo mga honeymooners daw sabi ng kanilang mga kasamahan sa trabaho. Kung noon ay sweet na talaga sa kaniya si Adriano, dumoble pa ito ngayon. Sa mga araw na lumipas masasabing si Sandra na ang pinakamasayang babae sa mundo. Walang puwang para sa insecurities ang kaniyang pakiramdam. Secured na secured siya sa pagmamahal na ibinubuhos sa kaniya ng kaniyang nobyo. Kahit gaano ka-busy nilang pareho sa kani-kanilang trabaho ay nakapaglalaan pa rin sila ng oras para sa isa

