Nagising si Sandra sa tunog ng kaniyang alarm clock, 7 AM na noon ayon sa orasan. Pupungas-pungas pang bumangon ang dalaga. May hang over pa siya dala ng pag-inom nila kagabi. Nilingon niya sina Cindy sa kabilang kama, mahimbing pa rin ang tulog ng mga ito kahit pa napakalakas ng tunog ng kaniyang alarm. Palibhasa ay wasted ang mga ito kagabi. Inabot niya ang orasan sa side table saka iyon ini-off. Bumangon na siya nang tuluyan saka mabilis na tinungo ang banyo. Napatingin siya sa salamin matapos maghilamos. May hang over man ay hindi siya puwede mag-day off ngayon, at di rin naman uso iyon kapag ganoong nasa barko na sila. Kalimitan ay relyelbuhan ang schedule nila.. kaya mamaya na lang siya babawi ng pahinga kapag nagising na sina Cindy. Isa pa, katatapos lang ng day off nila kahapon k

