Nakatunganga si Liam sa malalaking bintana ng opisina, tanaw ang kulay-abong langit ng lungsod. Kanina pa siya hindi mapakali—parang may kakaibang kuryente sa hangin, isang pakiramdam na may malapit nang mangyari. Tahimik na bumukas ang pinto at pumasok si Ethan Valdez, walang ingay ang bawat hakbang pero dala nito ang isang aura na alam ni Liam: may dala itong mabigat na balita. “Bro,” bati ni Ethan, diretsong umupo sa harap niya. Hindi na nito kinailangang magpaligoy-ligoy. “I’ve been tracking Seraphine Amara del Monte for months… and yesterday, I finally saw something you’ll want to hear.” Hindi gumalaw si Liam, pero tumalim ang tingin niya. “Talk.” Humugot si Ethan ng phone mula sa bulsa at binuksan ang ilang larawan. “Sinundan ko si Seraphine papunta sa isang private restaurant sa

