Halos sabay na tumayo sina Liam at Luca, parehong nanlilisik ang mga mata, handa nang magpatutsadahan pa ulit. Ramdam ni Alyssa ang papalapit na banggaan—alam niyang kapag hindi nahinto, siguradong sasabog ang tensyon sa harap mismo ng mga bata. Pero bago pa umabot sa puntong iyon, biglang bumukas ang pintuan ng playroom. “Mga iho, mga iha…” mahina ngunit buo ang tinig na narinig nila. Napalingon ang lahat. Isang matandang babae, maayos ang pagkakatirintas ng buhok at nakasuot ng simpleng uniporme ng kasambahay, ang marahang lumapit. Kahit may mga guhit na ng edad ang kanyang mukha, kita pa rin ang dignidad at lambing sa mga mata nito. Nagkatinginan ang triplets, halatang nagtataka. “Sino po siya, Mommy?” bulong ng isa, habang mahigpit na kumapit sa kamay ni Alyssa. Ngumiti ang matan

