Ang liwanag ng umagang iyon sa Tagaytay ay tila sinadyang dahan-dahan pumasok sa bawat bintana ng villa—mainit pero banayad, parang yakap na nagpapaalala ng katahimikan pagkatapos ng unos. "Snow, 'wag mong kalimutang ilagay 'yan sa bag mo, ha? Mamaya magagalit na naman 'yung teacher mo kapag kulang ang gamit mo," malambing na paalala ni Alyssa habang inaayos ang buhok ni Snow. "Yes, mommy," sagot ng batang babae habang nakatingin sa salamin, proud na proud sa naka-braid niyang buhok na may maliit na pink na clip. Sa kabilang mesa, si Sky at Callum ay busy rin sa paglalagay ng mga notebooks at lunchbox sa kani-kanilang backpack. Sera, suot ang Véraise blouse na hindi pa gaanong planchado, ay naglalakad-lakad sa paligid na may hawak na mug ng kape. “Kung sinong mas matagal maligo, siya a

