Tahimik ang pasilyo habang naglalakad si Alyssa pabalik sa kwarto. Bawat hakbang ng takong niya ay parang sinasabayan ng matalim na pagbalik ng mga alaala kanina - ang malamig na tingin ni Liam, ang tanong nitong humiwa sa katahimikan niya, at ang mga salitang pilit niyang nilunok para lang hindi bumigay. Ang bawat tunog ng kanyang hakbang sa marmol na sahig ay parang nagbibilang ng segundo bago siya muling harapin ang realidad na iniwan niya sa likod ng pinto. Huminto siya sa tapat ng kwarto, pinikit ang mga mata at pilit na huminga nang malalim. Isang... dalawa... tatlo... bago niya pinihit ang seradura. Pagbukas ng pinto, agad siyang sinalubong ng pamilyar na amoy ng kanilang tinutuluyang kwarto - halong amoy ng cotton linen at vanilla air freshener. Pero bago pa siya makalapit, n

