Tahimik. Para bang kahit ang mahinang hampas ng hangin mula sa air-conditioning ay tumigil, at tanging pintig ng puso ni Alyssa ang naririnig niya sa loob ng kanyang ulo. Si Liam. Nakatayo lang, ilang hakbang mula sa kanya, ngunit parang isang napakahabang agwat ang namamagitan sa kanila. Parang lahat ng taong dumadaan sa paligid ay naglaho, iniwan silang dalawa sa sariling mundo na puno ng alaala at mga salitang hindi nasabi noon. “Mommy…” mahinang tawag ni Snow, na nakapansin sa biglang pagtigil ng kanyang ina. Tumingin ang bata sa direksyong tinititigan ni Alyssa — at doon niya nakita ang lalaking kanina pa nila pinag-uusapan. Nagningning ang mga mata niya. “It’s really him…” bulong nito kay Sky at Callum, pero sapat para marinig ni Alyssa. Gusto niyang kumilos. Tumayo. Lumayo. P

