Lumakas ang palitan ng putok, umuusok ang paligid mula sa mga granada ni Ethan. Nakayuko si Darren, pinoprotektahan ang gilid ni Luca habang mabilis silang sumusulong. “East side secured!” sigaw ni Ethan, pawis na pawis pero buo ang focus. “Keep pushing forward! Markus is inside that control room!” Si Luca naman, mahigpit ang hawak sa baril habang nagmamando. “Walang lalabas dito. Trap him. This ends tonight.” Biglang bumuhay ang speaker system, at isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw. “You really came for me? How predictable. But that’s exactly what I wanted.” Nangibabaw ang tawa ni Markus, malalim at puno ng yabang. Samantala, hawak ni Alyssa ang earpiece habang pinapakinggan ang update. Narinig niya rin ang tinig ng kalaban sa background. Humigpit ang kapit niya sa lamesa.

