Manila — Navarro Estate Limang taon ang lumipas pero hindi pa rin nagbago ang itsura ng Navarro Mansion — mataas na gate, perpektong garden, malamig na marmol sa loob na parang walang pinagbago. Pero ang pinakabago rito — ang katahimikan. Nasa private office si Liam Alexander Navarro. Nakaupo siya sa likod ng malaking dark wood desk, hawak ang isang folder na kanina pa bukas pero hindi niya mabasa-basa. Sa tabi ng laptop niya, may half-empty na baso ng whiskey — alas dose ng tanghali pero tila wala siyang pakialam. Mula sa salamin, kita ang hardin na minsan ay pinangarap niyang maging perpekto ang buhay. Pero ngayon, para bang nilulunok siya ng bawat sulok nito. “Mrs. Navarro…” Ang tinig na iyon — limang taon na pero tumatama pa rin sa pandinig niya. Kung paanong nagawa niyang ipagta

