Stop it, Liam!" halos pasigaw na sabi ni Alyssa, hindi na niya napigilang lumakas ang boses. "Tama na ang drama na 'yan. Wala kang karapatan na magsalita ng ganyan na para bang ikaw ang kawawa! Para bang ikaw ang iniwan, ikaw ang sinaktan!" Nanatiling nakatayo si Liam sa harap niya, nakayuko sandali, bago muling tumitig nang diretso sa kanya. "Alyssa, hindi ko sinasabing ako ang biktima dito..." mahina pero malinaw ang tono niya. "...pero hindi mo rin puwedeng ipagkait sa akin ang katotohanan-na ako ang ama nila." "AMA?" bulyaw ni Alyssa, halos mabasag ang boses. "Kung ama ka, nasaan ka noong kailangan ka nila? Nasaan ka noong ako ang halos mabaliw sa hirap, sa pagdadala ng tatlo kong anak? Ha, Liam? Nasaan ka?!" Napasara ng mariin ang mga mata ni Alyssa, nanginginig ang labi habang bum

