Chapter 56

868 Words

Nasa veranda si Liam, hawak ang tasa ng kape, pero hindi kape ang laman ng isip niya. Ang langit ay kulay abong bughaw, parang nagbabadya ng ulan kahit umaga pa lang. Sa ibaba, tahimik na gumagalaw ang mga tao sa hacienda-mga trabahador na abala sa kani-kanilang gawain, walang kaalam-alam sa bigat ng iniisip ng amo nila. Tumunog ang cellphone sa tabi ng lamesa. Incoming Call: Mama. Kumunot ang noo niya. Hindi madalas tumawag si Doña Margarita nang ganito kaaga maliban na lang kung may mahalaga. Sinagot niya. "Ma?" "Liam," seryosong boses ng ina, mababa at walang pasakalye, "may gusto akong linawin tungkol sa nangyari kagabi." Bahagya siyang napaangat ng ulo, pero hindi dahil sa gulat-dahil alam niyang pareho silang tinutukoy ang parehong eksena. "Anong tungkol doon?" maingat niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD