Mainit pero preskong simoy ng hangin ang bumungad sa kanila pagdating sa resort. Matayog ang mga puno ng niyog na tila sumasayaw sa ihip ng hangin, at rinig mula sa malayo ang banayad na hampas ng alon sa dalampasigan. “Wow! Mommy, it’s so big!” sigaw ni Sky, halos ma-excite na tumakbo palabas ng sasakyan. “Can we swim now?!” dagdag ni Snow, nakatingkayad para masilip ang dagat. “Later, babies,” natawang sagot ni Alyssa habang inaayos ang bag ng mga bata. “We still need to check in first.” Habang naglalakad sila papasok sa lobby, hawak ni Callum ang kamay ni Alyssa, at si Seraphine Amara del Monte naman ay nakikipag-usap sa receptionist para i-confirm ang booking nila. Ang lobby ay moderno ngunit may halong tropical charm—malalaking bintana, mga hanging lamp na gawa sa rattan, at mal

