6:45pm
Alberto
Thank you sa pagpunta kanina Baby.
I appreciate you.
Baby Gracia
Hala? May kasalanan ka kaagad?
Alberto
Hahahahaha!
Wala! Thankful lang ako!
Baby Gracia
Ayaw mo naman akong bigyan ng pagkain kanina.
Alberto
Ikaw ang nag-bake para sa'kin, bakit ikaw rin ang kakain?
Baby Gracia
Haha!
Madamot!
Alberto
Ano'ng ipinagdamot ko sa'yo?
Lahat na nga ibibigay ko sa'yo pati apelyido ko nga ibibigay ko sa'yo!
Baby Gracia
Hoy!
Alberto
Hahahaha!
Uy, kinikilig ang Baby ko.
Baby Gracia
Umasa ka na naman Alberto.
Alberto
Aasa talaga ako. Hindi mo naman hahayaan na masaktan ako, eh.
Baby Gracia
Hala. Ang sweet mo, naiinis ako.
Alberto
Hahahaha!
Ikaw lang ang babaeng ayaw sa sweet.
Baby Gracia
Akala mo lang.
Alberto
Kinikilig ka ba?
Baby Gracia
Hahaha! Magpahinga ka na nga!
Alberto
Nasaan na?
Baby Gracia
Ang alin na naman?
Alberto
Nasaan na ang puso ko?
Baby Gracia
Sabi mo nasa akin 'di ba? Nasa akin pa rin naman.
Alberto
Hahaha! Magaling ka na sa ganiyan, ah.
Baby Gracia
Mana sa'yo.
At para sa'yo rin.
Alberto
Gracia!
Baby Gracia
Ayaw mo rin ng sweet?
Alberto
Gusto po!
Baby Gracia
Parang ayaw mo.
Alberto
Mas ayaw kong mawala ka sa'kin.
Baby Gracia
Hahaha! Matulog na! Kapag ikaw sa umpisa lang ganiyan, tatamaan ka sa'kin.
Alberto
Hahaha! Good night Baby! See you in my dreams.
Baby Gracia
Creepy, Alberto.
Alberto
Hahaha! I love you too!
Baby Gracia
(Kiss emoji)