6:19pm
Baby Gracia
No messages today?
Kumusta ba?
Hindi ka nangungulit ngayon.
Busy sa work?
Hindi ko talaga matandaan na sinuntok at sinampal kita.
Hindi ko rin maalala kung ano ang sinabi ko kaya sorry. Lasing lang ako.
Not online? Deadma?
8:08pm
Baby Gracia
Hey?
Wala akong maaway!
Where are you?
9:17pm
Baby Gracia
Nasaan ka na naman kaya?
Take care.
----------
9:16am
Baby Gracia
Good morning.
Online ka na pero deadma ah?
Okay ka lang ba?
1:04pm
Baby Gracia
Hindi ka pumasok sabi ng pinsan ko na katrabaho mo.
Bakit?
5:08pm
Baby Gracia
Alberto!
6:14pm
Alberto
Hi. Kumusta ka?
Ang dami mong message. Nakakatuwa.
Nakauwi ka na?
Ingat ka.
Baby Gracia
Wala akong maaway.
Alberto
Hahaha pwede mo naman awayin kahit hindi nagrereply.
Baby Gracia
Bakit mo ako dine-deadma?
Alberto
Hindi ah.
Baby Gracia
Hindi raw.
Alberto
Hindi nga.
Baby Gracia
Bakit ngayon ka lang nagreply?
Alberto
Sick.
Baby Gracia
Bakit nagkasakit?
Kailan pa?
Alberto
Kahapon pa. Hindi na ako nakapasok kahapon at ngayon.
Baby Gracia
Lagnat?
Alberto
Love-nat daw e.
Baby Gracia
Corny! Ano nga?
Alberto
Oo.
Baby Gracia
Kitams! Nagpaulan ka kasi! Bakit mo binigay yung payong mo sa'kin! Ikaw tuloy ang nagkasakit!
Alberto
Ano pa nararamdaman mo ngayon?
7:24pm
Baby Gracia
Albert? Mataas pa lagnat mo?
Uy!
Albertooooo!
7:36pm
Baby Gracia
Uminom ka ng gamot at kumain ka ng prutas.
Matulog ka na.
Huwag na magpuyat.
Get well soon.