7:24am Baby Gracia Hi, Love. Hindi ko alam kung nakatulog ako. Napanaginipan pa nga kita. Yakap ka nang yakap sa'kin tapos tuwang-tuwa ka kapag sinusungitan kita. Namimiss na kita sungitan. Ang landi mo, Love. Nakatingin ako sa'yo ngayon tapos nakangiti ka. Alam mo bang napapangiti mo rin ako? 12:24pm Baby Gracia Nakatulog ako, Love. Buti nalang nakatulog na ako. Hulaan mo kung saan ako natulog? Hehe. Naalala ko lang na ayaw mong tumatawa ako sa chat ng hehe kasi naiisip mo ang itsura ko. Sa kwarto mo ako natulog. Sabi ni Mama, kwarto ko na rin ang kwarto mo! Hindi mo sinabi sa'kin na itinago mo ang gifts ko sa'yo noon. Pati yung simpleng panyo na binigay ko sa'yo. Ibig sabihin, kahit bet talaga yung una... minahal mo nga ako. Sorry kung nagmatigas ako noon. Sorry na g

