8:04pm
Alberto
Mag-dinner ka na.
Baby Gracia
Okay.
Alberto
Kumusta naman?
Baby Gracia
Hangover.
Alberto
Hahaha. Grabe ka rin malasing.
Baby Gracia
Bakit?
Alberto
Hindi mo natatandaan di ba?
Baby Gracia
Oo? Hindi ko maalala na sinundo mo ako.
Ano bang ginawa o sinabi ko?
Alberto
You slapped me. Twice.
You punched me. Thrice.
Baby Gracia
Totoo?!
Alberto
Yes.
Ang sakit nga ng sampal mo.
Buti naka-iwas ako ng kaunti sa suntok mo.
But it's okay. I deserve that slap.
Baby Gracia
Pinagti-tripan mo ako. Joke ba 'yan?
Alberto
Hindi ah.
Minumura mo nga rin ako kagabi.
Galit na galit ka sa'kin.
Hindi ko alam na ganoon pala ang epekto ng nagawa ko sa'yo. Ayokong isipin mo ulit na sasaktan lang kita.
Sorry sa lahat ng sakit na ipinaramdam ko sa'yo noon.
Baby Gracia
Wrong sent?
Alberto
No baby.
Baby Gracia
Sent to many?
Alberto
No. Sa'yo lang.
Naramdaman ko kagabi kung gaano kasama ang loob mo sa'kin.
At kung gaano kita nasaktan.
Sorry.
Thanks for unblocking me baby. Huwag mo na uulitin. Namiss kita. Huwag mo na rin akong iiwasan ah?
11:30 pm
Alberto
Seen mo naman pero hindi mo ako nirereplyan.
Nakatulog na?
Good night baby. Rest well.