2:19pm
Baby Gracia
Umuwi ka na.
Hindi kita kakausapin.
Bahala kang maghintay.
Alberto
Okay lang.
Baby Gracia
Umuwi ka na.
Alberto
Okay lang, Baby.
Baby Gracia
Hindi ako bababa para makipag-usap sa'yo.
Alberto
Okay lang.
Baby Gracia
Ang tiyaga mo rin 'no? Bakit ako na naman ang pinagti-tripan mo?
Alberto
Gracia, seryoso nga ako.
Baby Gracia
Nice. Ganiyan din ang sinabi mo noon.
Tapos ginago mo ako.
Alberto
Kaya nga ako nandito. Babawi ako.
Baby Gracia
Umuwi ka na.
3:15pm
Alberto
Sorry kung pinag-isipan ko kayo ng masama ni Nathan.
Nalaman ko na hindi pala ikaw ang liligawan niya, ang kaibigan mo palang si Dane.
Baby Gracia
Paano mo nalaman 'yan?
Alberto
Nag-usap kami ni Nathan.
9:20pm
Alberto
Thanks for talking to me, Baby.
Salamat din sa dinner with your family.
Baby Gracia
Sige, sirain mo nalang ulit ang tiwala ko kung gusto mo.
Alberto
Hindi na 'yun mangyayari.
Ang sarap mag-dinner sa inyo. Pwede ulit sa susunod na araw?
Baby Gracia
Feeling mo naman anak ka na nila.
Alberto
Hindi pa.
Soon!
Baby Gracia
Nakauwi ka na ba?
Alberto
Yes po.
Thank you!
Baby Gracia
Para saan?
Alberto
Kasi iniintindi mo ako.
Baby Gracia
Hay nako, Engr. Alberto.
Alberto
Hahaha! Bakit, Engr. Gracia?
Baby Gracia
Thank you sa pagka-usap kay Nathan.
Nakakahiya kasi sa kanya. Nagpapalakad lang siya sa'kin kay Dane dahil nagkita ulit sila nung isang beses na kasama ko si Dane. Tapos classmates sila nung college at matagal na gusto ni Nathan kaya gusto niyang ligawan.
Okay, bakit ako nagsasabi sa'yo? Hinusgahan mo naman ako.
Alberto
I'm sorry.
Nagselos lang ako.
Baby Gracia
Kapag nagselos pala ay valid na manuntok?
Alberto
Hindi. Sorry na.
Baby Gracia
Okay, pahinga na.
Alberto
Matulog ka na, Baby. Thank you!