20, 21 & 22

320 Words
5:02pm Alberto I thought we're okay. Ayaw mo pa rin akong makita at kausapin. Hindi na kita kukulitin ngayon pero hindi ako sumusuko. I will give you some time, Baby. Ngayon pa lang, miss na kita. --------- (Messenger) April 1, 2019 8:56pm Clarence De Castro: Grace? Grace Cervantez: Hi. Bakit? Clarence De Castro: Kasama ko si Albert ngayon. Grace Cervantez: And?? Clarence De Castro: Ngayon lang namin nalaman na nagalit ka sa kanya dahil sa pustahan namin. Sorry, Grace. Hindi naman talaga totoo 'yung pustahan namin. Niloloko lang namin si Albert noon dahil napakasungit mo raw sa kanya kaya nagkaroon kami ng bet. Pero bago ang bet na 'yun, totoong mahal ka niya, Grace. Kahit isang singkong duling, hindi tumanggap ng pera sa'min si Albert dahil wala lang ang pustahan na 'yun. Hindi niya iniisip ang pustahan kapag kasama mo siya. Seen. -------- (Messenger) 10:30pm Clarence De Castro: Grace? Huy. Grace Cervantez: Madaldal ka pala, Clarence. Ano ba'ng pinaglalaban mo?? Clarence De Castro: Hahaha. Ako wala, pero ang kaibigan kong si Albert meron. Grace Cervantez: Ano'ng pinaglalaban niya? Clarence De Castro: Ikaw! Grace Cervantez: Happy April Fools! Ewan ko sa'yo! Clarence De Castro: Grace! Totoo 'to! Grace Cervantez: Ano ba'ng ginagawa ng kaibigan mo? Bakit magkakasama kayo? Ano naman ang pustahan niyo ngayon? Clarence De Castro: Grace naman. Hindi nga totoo 'yun. Nandito kaming magkakaibigan sa condo niya dahil nag-invite siyang uminom. Nabalitaan mo ba? Grace Cervantez: Na ano? Clarence De Castro: Mahal ka pa rin niya. Grace Cervantez: Clarence! Matinong sagot kasi! Clarence De Castro: Matino naman ang sagot ko sa'yo Grace. Grace Cervantez: Bakit ka nga nag-chat? Nakiusap ba sa'yo si Albert? Clarence De Castro: Gusto ko lang ipaalam sa'yo na totoong mahal ka ng kaibigan ko. Ikaw nga ang inspiration niya sa pagiging engineer kaya gumaling ang kaibigan ko, eh! Grace Cervantez: Grabe sa build-up 'no? Clarence De Castro: Hahaha! Totoo naman! Ang taray mo pa rin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD