THIRD PERSON’S POV Ngayon ang araw ng operasyon ni Drake. Kaya naman nasa Hospital sila ngayon ng Maynila. Kasama ni Hyacinth sina Sylvester,Dominic at Xavier. Naka-upo lang sila habang naghihintay sa magiging resulta ng operasyon. “Hyacinth” sabi ni Dominic kay Hyacinth. Napatingin naman si Hyacinth na kanina pa paulit-ulit na nagdadasal. “Bakit?” tanong ni Hyacinth kay Dominic. Tumabi si Dominic sa pagkakaupo kay Hyacinth. “Salamat ha? Hindi mo iniwan ang kaibigan namin. Kaso parang may mali ata” sabi ni Dominic kay Hyacinth na ikina-question mark naman ni Hyacinth. Naghihintay lang siya sa magiging sagot ni Dominic. “Kasi hindi ko naman sinabi na pagtuunan mo talaga ng pansin si Drake. Hyacinth,may pamilya ka din na naghihintay sayo dito sa Maynila. At isa pa,hindi pa kayo nagkakab

