AXEL’S POV Siguro marami na ang galit sakin dahil sa mga panlolokong ginawa ko kay Hyacinth. Pero mahal na mahal ko siya. Kung alam niyo lang kung gano kahirap tingnan ang babaeng mahal mo na umiiyak at nasasaktan ng dahil sayo. Hay! Eto nga kami ngayon ni Hyacinth sa garden. Dito ko sasasabihin lahat-lahat. “Kaya mo na bang sabihin sakin?” tanong ni Hyacinth sakin. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. “Oo…” sagot ko sa kanya. Magsimula tayo sa araw kung kelan ko sinaktan si Hyacinth. FLASHBACK [Valentines Day (3 Years Ago)] Sobrang saya ko dahil nakadate ko si Hyacinth. Kahit papano nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa sasabihin kong pagsisinungaling sa kanila. Hay! Nakakainis lang. Pati buhay ko papakialaman. Pati buhay namin ni Sophie kokontrolin. Mamaya ko sasabihi

