Kabanata 30 "Kilala mo si Troy?" Natigilan ito sa tanong ko. "Why do you sound so interested in him?" "Marami kasi siyang alam pagdating sa paghahalaman," sagot ko at huminto upang tingnan ang mangga na dinaanan namin. "I know everything too." Tumaas ang kaliwang kilay ko sa sagot nito at tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. Umawang ang labi ko nang naiinis ang mukha nitong lumakad patungo sa kanyang kabayo. Huminto ito at kunot ang noong nakatingin sa akin. "Tsk!" Naiinis itong bumalik at hinawakan ang kaliwang palapulsuhan ko. Hinila nito ako patungo sa kabayo na dala niya. "Galit ka ba?" takang tanong ko dahil kunot na kunot ang noo nito. Tumaas ang tingin ko sa kalangitan dahil dumidilim ang paligid. "No," malaming na sambit nito. Tumaas ang kilay ko noong sinara nito

