Kabanata 21 Hindi ko maintindihan ang sinabi niya kaya tumungo ako sa kusina upang magligpit ng pinagkainan namin. Sumulyap ako sa kanya na pumasok din sa kusina upang uminom ng tubig. Iniwas ko ang tingin ko at pinagpatuloy ang aking ginagawa. “Why were you with that man last night?” Napahinto ako sa paghuhugas ng plato sa tanong niya. Hindi ko ito sinagot nang mapagtanto na ang tinutukoy nito ay si Jigs at ang nakita niya kagabi. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa ko at kumunot ang noo nang maingay nitong ibinaba ang baso na hawak niya. “I am asking you,” mababang sambit nito. Marahang umawang ang labi ko at huminga nang malalim. Still, I didn’t answer him and I continue what I’m doing. “Lauren?” Ngayon narinig ko ang pagtitimpi sa tono tawag nito. “Wala na si Lolo, kaya hindi mo na

