Kabanata 18

2093 Words

Kabanata 18 Humawak ako sa sofa nang maramdaman ang hapdi sa pagitan ng aking binti. Umiling ako nang mabilis at pinipilit na kalimutan ang nangyari kagabi. Tumuloy ako sa kusina upang mabilis na ayusin ang baon ko. Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan nito at kapag minalas ka pa ay nahulog ang mga kubyertos na hawak ko na naging dahilan ng ingay. Bago pa ako makagalaw ay nakita ko na ito. Nanigas ako noong lumipat ang inaantok na mga mata nito sa akin at mukhang katatayo lang nito sa kama. Iniwas ko ang mga mata ko dahil wala itong saplot pang-itaas. Umawang ang labi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at hindi ako makahinga nang mabuti. Lumunok ako at mabilis na pinulot ang kutsara't tinidor na nasa sahig. Kumunot ang noo ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD