Kabanata 28 I woke earlier than the usual. I made sure na ako ang magluluto ng almusal. Inayos ko na lahat bago pa ito gumising. Narinig ko na lumabas ito sa silid kaya mabilis akong nagtungo doon upang salubungin siya. Kunot ang noo nito habang may kausap sa cellphone niya. Hindi pa naka ayos ang pulang necktie na suot nito. "No, I have to check on it first." Lumakad ako patungo sa kanya na sinundan nito ako ng tingin. "Yes." Tango nito sa kausap niya. Tipid akong ngumiti sa kanya noong nakalapit na ako. Nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang hinawakan ko naman ang necktie nito. "What are you doing?" bulong na tanong nito sa akin na nilayo pa ang cellphone na hawak nito. "This is a wife duty." Ngumiti ako sa kanya at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Marahan k

