Kabanata 48 Napailing ako sa design na ginawa ko at mabilis itong pinunit. Natigilan ako at umiling nang maalala ang tagpo kanina. Nakaalis na sila kanina pa pero parang naririnig ko pa rin ang maarteng boses ni Monica. Kumain ako sa pagkain na dala niya dahil ayokong mag-isip ng iba si Ms. Lorenza. Tumingin ako sa screen ng laptop ko kung saan nandoon ang draft ng digital design na ginawa ko.Tumunog ang cellphone na nakapatong sa lamesa ko dahil may nag-text. From Jigs, Thank you for the food. This is so good. Swear! Napangiti ako sa sinabi nito at binalik ang tingin sa screen ng laptop ko. "Lauren?” Tumaas ang tingin ko kay Ms. Lorenza na papalapit sa akin. Binaba nito ang suot niyang reading glass. “Nalaman ni Sir Sky ang pagpunta mo sa Ilocos para sa hinahanda mong project sa res

