GALING sa trabaho si Lyn at naglalakad na pabalik sa subdivision nila. Ang pagiging encoder at assistant ni Sheila ang unang trabaho niya kung hindi isasama ang pagtitinda sa palengke kaya pinapakita talaga niya sa araw-araw na karapat-dapat siya sa trabahong ‘yon. Kung hindi kasi unfair naman sa ibang mga naghahanap ng trabaho. Hindi naman kasi siya nahirapan matanggap. Nagkatrabaho siya agad dahil lang asawa siya ni Benedict. Magandang distraction sa kaniya ang pagtatrabaho. Ganoon din ang kakulitan nina Sheila at Jesilyn na kaibigan na ang turing sa kaniya. At least, nagagawa niyang maging kalmado sa araw-araw. Kasi kapag nakauwi na siya at naaalala na naman ang mga bagay na tungkol kay Benedict na hindi nito sinabi sa kaniya, sumasama na ang mood niya. Mga bagay na nal

