//SELENA POV// Naabutan sila ng gabi sa kanilang pamamasyal. Pagkatapos nilang nag-picnic at naligo sa falls ay nagpasya na silang umuwi. Tinulungan niya si Alonzo papunta sa kwarto nito at sa pagbihis nito. “Kakagaling mo lang sa sakit, kung ano-ano ng pinagkakagawa mo. Pumayag lang ako na mag-picnic tayo sa labas pero hindi ko sinabing maliligo tayo. Papaano kung babalik na naman ang lagnat mo? Doble na naman ang konsomisyon at madadagdagan na naman ang konsensya ko. Ang kulit mo talaga!” “Ang dami mo naman inaalala diyan. Huwag kang mag-deny diyan. Nage-enjoy ka rin naman eh. Sa susunod, gawin natin iyon.” “Ano naman? Ang hilahin mo ako? Akala ko malulunod na ako eh.” “Hindi ka naman mabiro diyan. Promise, hindi ko na iyon gagawin sa iyo.” “Ewan ko sa iyo.” Napan

