//Selena POV// "Sa wakas natapos na rin!" Nalinis na rin niya sa wakas ang buong bahay. Maliban lang sa kwarto ni Alonzo dahil hindi naman siya inutusan na linisin iyon kaya hindi na niya ito gagalawin. Maga-alas dose na ng tanghali at kailangan na niyang magluto ng pananghalian nila. Ano kaya ang lulutuin niya ngayon? Kahapon kase canned ham, fried egg at corned beef lang ang kinain nilang dalawa sa buong araw. Iyon naman masustansya sana ngayon puro mamantikain ang kinakain nila. Binuksan niya ang bagong deliver na refregirator at ganoon pa rin ang kanyang nakikita. Kailangan niyang sabihan si Alonzo tungkol dito baka sa katagalan, isa na sa kanila ang magkakasakit. "Alonzo!" Tawag niya sa binata pero hindi ito sumasagot. Ang huling kita niya rito ay lumabas ito ng bahay.

