UNCENSORED S1: EX-LOVER’S CONTRACT CHAPTER 61 //SELENA POV// Napasigaw siya sa gulat ng biglang bumagsak at nabasag ang mga dala ni Amanda. Agad niya itong inalalayan. “Amanda! Okay ka lang ba?” “Se-senyorita, sabihin niyo po nagbibiro lang po kayo.” “Huh? Huwag mo muna iyang intindihin. Check muna natin baka may sugat ka.” Mariin itong umiling. “Hindi, pakinggan niyo po muna ako. Nagbibiro lang po kayo hindi ba? Hindi ba?” Bakit parang alalang alala ito sa mga sinabi niya? “Um… hindi pero ito munang mga kamay mo ang inahin natin.” “Mapapahamak lang po kayo sa mga sinasabi ninyo Seniorita. Lalong lalo na si Alonzo. Magkaiba kayo ng mundo. Baka kung ituloy niyo poi to, may mga masasamang mangyayari sa inyo.” “Salamat Amanda sa pagaalala mo pero wala kang dap

