//ALONZO POV// Sinusubukan niyang ma-kontak si Selena. Dalawang araw na silang walang komunikasyon dahil sa nangyari sa kanyang ina. Lahat ng focus niya ay nasa ina niya kaya hindi siya makahanap ng konting oras para kumustahin ito. Nagri-ring naman ang kabilang linya pero hindi nito sinagagot ang kanyang tawag. Hindi naman siya masyadong nagaalala na mag-isa lang ito sa hacienda pero kailangan pa rin niyang tawagan ito baka nagtataka na ito kung bakit hindi siya nagparamdam ng dalawang araw. Sinubukan na naman niyang kontakin ito. Pero imbes na sagutin at bigla na lang ito piñata ang tawag niya at hindi na ito muli makontak. Galit siguro ito dahil sa ginawa niya. Hindi rin maganda ang kanilang paguusap bago siya umalis. Dahil sa sinabi niya rito, nagiba ang timpla ng ugali nit

