//Selena POV// May lagnat ito. Akala niya namimilipit lang ito sa sakit dahil sa pilay nito pero hindi niya namalayan na nilalagnat na pala ito. Kinapa ulit niya ang noo at leeg nito. Napakainit nito at pinagpapawisan. Hindi niya alam. Papaanong hindi niya namalayan ito kanina pa? Kailangan niyang kumilos kaagad baka may mas malala pang mangyayari rito. Napakalayo ng siyudad kung pupunta pa sila sa ospital. Siya mismo ang magiisip at gagawa ng paraan. She can’t leave Alonzo look like this! Inayos niya ang pagkakahiga nito at agad umalis ng kwarto. Pumunta siya sa kusina at naghanda ng kakailangan niya. Nagpakulo siya ng tubig at kumuha ng bimbo. Pumunta din siya sa likuran ng bahay at kumuha ng bagong labang damit nito. Ilang sandal ng paghihintay ay umakyat muli siya p

