Uncensored Series 1: Chapter 59 //Selena POV// Pagkatapos ng kanilang munting salo-salo, nagpasya muna siyang magpahangin sa veranda habang busy pa ang kanyang ina sa pagkikipagusap kay Sir Harold at sa anak nito. Kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin dahil kanina pa siya hindi makahinga ng maayos. Bakit? Dahil sa walang pakundangang pagmamayabang ng kanyang ina kung gaano siya ka-successful bilang modelo pero, lahat ng iyon ay hindi totoo. Sabihin na niya na meron siyang ikakabuga sa iba pang modelo na mas makinis, maganda at hubog ng katawan pero hindi ibig sabihin na mas maangat siya sa lahat. Her mother knew that from the start. Hindi talaga siya makapaniwala sa kinikilos ng kanyang ina. Ganito ba palagi ang ginagawa ng kanyang ina sa harapan ng mga kaibigan nito lalo na k

