//Selena POV// "Ang bagal mo naman." "Sa-sandali lang sabi." "Magbabawas kaya ako sa sweldo mo para bumilis man lang ang kilos mo." Inilapag niya ang dala-dala niyang gamit. "Ikaw kayang magbuhat sa sarili mong mga gamit. Papaano ko naman ito mabubuhat, aber? Maleta mo ba ito o bahay mo?" "Isa din kaya ito sa trabaho mo. Ano ako? Akong magpapasweldo sa iyo tapos ako pa gagawa ng pinaguutos ko?" "Ewan ko sa iyo!" BInuhat niya muli ang maleta nito at lumabas sa hotel room nito. Wala pang oras ang pagbaba niya sa mga gamit nito pero parang dalawang oras na siyang binubuhat ang mga gamit papalabas ng hotel hanggang sa kotse nito. Grabe, ni wala pa ngang isang buwan dito si Alonzo, napakdaming gamit na ang dinala nito. Para nga siyang naglilipat bahay sa dami at mabibigat na mga gamit nit

