Uncensored Series 1: Ex-Lovers Contract Chapter 67 //Selena POV// Isang linggo na lang ang nalalabi at ikakasal na siya kay John. At dalawang araw na lang at aalis na silang dalawa ni Alonzo sa hacienda. May konting kaba siyang nararamdaman habang dumadaan ang araw. Lahat ng preperasyon sa kasal halos nakahanda na. pati na din ang maisusuot niyang wedding gown. Sumasabay lang si John na parang gusto nito ang nangyayari at walang nalalaman sa nalaman nito tungkol sa kanyang ina. Tinotoo nito na huwag siyang tulungan para matigil ang kasal. Kahit hindi siya tutulungan nito, nagpapasalamat pa rin siya na hindi nito sinabi sa ama sa totoong pakay ng kanyang ina. Wala din siyang sinabi sa kanyang ina na alam na ni John ang tungkol sa utang. Baka may gawin pa ito at mas lalo siyang

