Kinabukasan, nagdesisyon si James na makipagkita kay Melissa. Naisip kasi niyang kailangan niyang ayusin, at siguruhin ang nararamdaman niya para rito. Totoong naguguluhan siya sa kaniyang sarili. Hindi niya maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman niya para kay Melissa, at iyon ang gusto niyang tuklasin. Gusto niya si Grace, pero ngayong nagbabalik si Melissa sa buhay niya ay nagugulo ang sistema niya. “Hi Hon, I’m so sorry may dinaanan pa kasi ako eh.” Nagulat pa siya nang bigla siyang halikan nito sa kaniyang mga labi. Napatingin siya sa babaeng bagong dating. Umayos siya sa pagkaka-upo saka pilit na nginitian ang dalaga. Agad ding kumaway ng waiter ang babae nang makaupo na ito sa kaniyang tapat. Pinagmamasdan lang niya ito habang umu-order ito ng pagkain. Ngumiti pa ito sa waiter pag

