Pampaswerte Para akong wala sa aking sarili pagdating namin sa simbahan. I got drained with Tyrone's lines. Tumawa rin naman siya at sinabi pang binibiro niya lang daw ako kanina pa pero di maalis alis sa sistema ko. Marupok ako syempre! Konting salita niya lang pwede na akong matunaw! Ganoon ako kakati pagdating sa kanya tapos sasabihin niyang joke?! Pag iyan tinotoo ko, sa ibabaw niya talaga ang bagsak ko! Nagtitimpi na talaga ako diyan sa mga biro niya. Konting konti nalang at masasagad na ako. He's pushing me to do forbidden things! To be a sinner! Seryoso siyang nakikinig sa nangyayaring misa sa harapan habang ako naman ay tinitingnan lamang siya sa gilid ng aking mga mata kahit na nasa harap rin ang aking tingin. Kalaunan ay natuon rin naman sa Pastor ang buo kong atensyon. Ma

