Warning: SPG Ako Lang Deri-deritso na ang aking pasok sa bahay at pag-akyat ko sa aking kuwarto. Pulang pula ang aking mukha at nahihiya akong makita ang kanyang reaksyon sa aking sinabi. Pagkapasok ko ay inilock ko kaagad iyon. Nagbeep ang aking cellphone at ilang sandali lamang ay tumunog na nga iyon. He's calling! Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi saka ko iyon sinagot. "Ano?" Mataray kong salubong sa kabilang linya na pumapaibabaw ang kanyang halakhak. "Sinasagot mo na ako?" tanong niya sa boses na puno ng galak. Sumandal ako sa pinto at ngumuso. "Di mo ba narinig ang sinabi ko kanina?" "Narinig... 'Ang sabi mo, Sinasagot na kita, Tyrone... Tayo na...' Sabay labas. Narinig ko Anne. Tayo na?" Mariin akong napapikit at natakpan ang aking mukha. Bakit ba kailangan niya p

