Broken Palaisipan sa akin ang gabing iyon. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa narinig kong sinabi ni Mommy. Imposibleng nagloloko si Daddy... He's very loyal to my Mom! Baka naman may rason siya... Daddy told me to listen to someone's side before judging a person. I'll give him the benefit of the doubt if needed just to save him from my negative thoughts. Sa umagang iyon ay maagang umalis ang aking mga magulang. Manang Belen told me na hindi na raw nagbreakfast si Mommy ganoon rin si Daddy. Maybe they're already okay? Sinubaybayan ko ang kanilang mga kilos sa bahay. Hindi muna ako gumagala lalo na't wala rin ako sa mood kahit na todo yaya ang mga babae sa akin. Katext ko lang rin si Tyrone sa mga araw na iyon. Tyrone: Ang sabi ng mga babae tinatanggihan mo ang lakad niyo. Okay

