KANINA pa tulog si Amarah sa tabi niya ngunit si Bella ay pabaling-baling parin sa higaan at hindi dalawin ng antok. Tumayo siya sa kama at nagdesisyon na pumunta sa kusina para ikuha ang sarili ng maiinom ng makaramdam ng pagkauhaw. Tahimik na ang buong kabahayan at sa tingin niya ay nasa kanya-kanyang kwarto na ang mga kasambahay at nagpapahinga. Nahinto siya ng mapadaan sa masters bedroom. Tahimik din doon at mukhang hindi pa yata umuuwi si Lucas. Madalas itong umuwi ng gabi na. Hindi nga niya minsan namamalayan kung anong oras na ito dumarating dahil sa kwarto siya ni Amarah natutulog. Ilang araw narin mula ng iuwi sila ni Lucas sa mansion nito ngunit kahit minsan ay hindi nito iginiit sa kanya na matulog sila sa iisang kama at kunin ang karapatan nito bilang asawa niya. Pinapabaya

