BIGLA atang lumundag ang puso ni Bella ng makita ang pagdating ng kotse ni Lucas. Bigla hindi niya alam kung ano ang gagawin. Parang gusto niyang pumunta sa kwarto ni Amarah at doon nalang matulog ngunit iniisip niyang baka lalong magalit si Lucas kapag ginawa niya iyon. Mabilis siyang nahiga sa kama at binalak na magpanggap na tulog. Ngunit agad ding bumangon... Paano kung ayaw siya nitong makita at katabing matulog ngayon sa kama? Nagpalakad-lakad siya sa ibaba ng kama habang kinakagat-kagat ang kuko ng hinlalaki. "Letche! Eh ano kung galit siya eh dapat nga ako ang mas magalit sa kanya dahil sinira niya ang cellphone ko...," kausap niya sa sarili. Nang marinig niya ang papalapit na yabag ay mabilis siyang tumakbo sa kama at nahiga patalikod sa pwesto ni Lucas. Napagpasyahan niyang

