MAGHAHATING gabi na ngunit hindi pa rin umuuwi si Lucas. Nakakailang tasa na ng kape si Bella sa paghihintay dito. Hindi rin ito sumasagot sa mga tawag niya. Kanina pa din kinakain ng selos ang puso niya. Paano kung ang babaeng sinasabi ni Alina na kausap nito sa opisina ang siya ring kasama nito hanggang ngayon? Anong klaseng meeting ang ginagawa ng mga ito? Baka naman mating at hindi meeting ang ibig sabihin ni Alina... Napatuwid siya ng tayo ng masilip niya sa bintana ang pagpasok ng kotse ni Lucas. ''Lagot ka talaga sa akin ngayon!'' mahina niyang turan at inabangan ang pagpasok ni Lucas sa kwarto nila. "Akala ko nakalimutan mo na ang daan pauwi," bungad niyang wika ng bumukas ang pinto. ''Why are you still awake?'' ''Natural hinihintay kita... Saan ka ba galing? Sinong kasama mo?

