Parang pati ang lakas ko ay hinigop niya sa klase ng halik niya. It was passionate and...sweet. The longing was obvious in the way of his kiss. "I missed you," he murmured in between our kisses. Wala siyang pakialam kahit na may makakita sa amin. I was still in my school uniform kaya mabilis akong humiwalay. Inilibot ko ang paligid kung may nakakita ba. Maigi na lang at nakapasok na ang lahat ng estudyante. "Ihahatid na kita," ang tanging naiusal ko na lang nang humiwalay sa kanya. Imbis na mabuksan na ang pinto ay nagsarado iyon. Sinandal niya ako sa pinto. "Ako ang magda-drive, no buts." "Ako..." “Or, I'll kiss you again," pagbabanta niya. Nag-igting ang panga ko sa narinig. Inirapan ko siya bago kumalas at nagmartsa patungo na sa may kabila. Hindi kalayuan sa presinto ay may t

