"Kailangan na naming umalis the day after tomorrow, Mommy," pahayag ko habang nasa hapag kainan. Si Manang Ising ang pansamantalang humalili sa akin sa pagbabantay kay Tala dahil gusto ko namang magkaroon ng oras kay Bituin sa huling pagkakataon bago kami lumipad pa Los Angeles. Tumango si Mommy. Daddy was quiet pero alam kong nakikinig siya. "Susunod ako kapag malakas na si Baby Luna at isasama ko ang apo ko roon." "A-Are you staying there for months?" Biglang tanong ni Daddy. "Sasamahan ko kayo ng apo ko..." "Dito ka na lang. Wala ka namang gagawin doon at baka roon ka pa magkalat. Huwag mo nang idamay ang apo ko sa miserableng buhay na binigay mo sa mga anak ko. You can do what you want, I don't care. If you want an annulment I will peacefully give it to you." Mommy firmly said. Na

