Sinindihan ko ang hawak na sigarilyo at mabilis na hinithit iyon. Marahas kong binuga ang usok bago bumuntonghininga. "Sinag." It was Luhan. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa ginagawa. "I'm sorry, I didn't know," bigla niyang winika. "He left after he went out of rehab at hindi ko na alam kung saan siya nagtungo." Guilt was obvious in his voice. Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari. He has his own life to live at sinadya ko rin namang huwag alamin ang buhay ni Drei sa nagdaang taon. Akala ko kasi, pagkatapos niyang makalabas ay ayos na siya at makakapagsimula na sa buhay na nais. Nagawa naman niya at napagtagumpayan, sa mahirap na paraan nga lang. But, is it all worth it for him? Bakit kailangan na lang laging mauna ang dilim sa liwanag? Nag-iinit ang mga mata kong n

