I texted Mommy that I don't want to talk to Drei. Ayokong maghintay siya roon sa wala dahil siguradong hindi iyon aalis hanggat hindi pinaaalis. Isa pa, ayoko ring ubusin ng mga lamok dito sa bakanteng lote. Oh my gosh, my precious skin! Ilang sandali lang ay biglang sumulpot si Daddy sa harapan ko. Naka-pajama siya at t-shirt na puti. Napakamot siya ng ulo na tila ba nag-aalangang lapitan ako. "Wala na si Drei. Pwede ka nang umuwi." I let out a relieved sigh. "Thanks." Sabay na kaming naglakad pa-kabilang bahay. Papasok na kami ng gate nang bigla siyang nagsalita. "I'm still wondering why did you two break-up. He seems a good man." Natigilan ako at napalingon sa ama. Anong nakain niya at naging interesante ang love life ko sa kanya. Well, as I remembered ay gusto nga pala niya si

