Drei slowly averted his gaze on me. May pagtatanong sa kanyang mga mata. Sa totoo lang ay kinakabahan din ako. Ayoko sa lahat kasi ay iyong naglilihim sa kanya. Kapag nasundan pa nang nasundan ang mga ganitong eksena ay baka maisiwalat ko ng lahat ang sikreto ng pamilya ko. Kailangan na talaga niya akong pakasalan kung gusto niya pang maging ligtas ang buhay niya. Joke. "W-What's that?" Nakatanga niyang tanong. Nakasunod ang paningin niya sa papalayong pamilya ng Feliciano. "What?" I shot back, nagmamaang-maangan. "B-Bakit ganoon na lang sila katakot sa'yo? I..." I cut him off. "Bale ganito kasi 'yan, Love," umpisa ko. "May atraso kasi siya dati sa Daddy ko. Business-related kaya ayun, binalaan ni Daddy na if his family meddled on our family's way ay malilintikan sila." "Reall

