Kabanata 3/1: Hashtag Soulmate

1181 Words
Ibang-iba ang awra niya ngayon kesa noong huli kaming nagkita. He look so pissed and stress. Bukod sa namumulang mga mata ay maiitim din ang ilalim niyon na tila ba kulang sa tulog. Nakangiti pa rin ako pero bahagyang nakakunot ang noo, inaalisa kung ano ang trip niya sa buhay. Nang may sumagi sa isip ay nagtaas ako ng kilay at binigyan siya ng nanunuring tingin. "So, what's the deal? Mary Jane?" Doon nagliwanag ang kaniyang mukha. "Cool." He grinned at me. "Didn't know that you're into weeds, too." "Nah," umiling ako. Confirmed. "Tamang yosi lang kapag natatae. So, what's up? Dito ka rin nag-aaral?" "Unfortunately yes, my father throw me here," he humorlessly chuckled. "Sweet," I remarked. Bagay talaga kami. Mukhang pareho kaming masyadong mahal ng mga tatay namin. Hashtag soulmate. May kung anong awa akong naramdaman pero hindi ko na pinahalata pa iyon. Inagaw ko ang kaniyang hawak na sigarilyo at humihithit ng isa. Hindi pa man ubos ay tinapon ko na 'yon at inapakan nang mariin. I blew the smoke right through his face that made him more annoyed. "Nakakabawas 'to ng appeal. Tigilan mo na, sabog na sabog ka na," sabi ko sa kaniya. "Anong course mo pala?" "Why do you care?" inis niyang turan. Tiningnan niya nang may panghihinayang ang tinapon kong sigarilyo at saka matalim akong tinitigan. "Wala lang, baka lang kasi pareho tayo ng course. Para makinita ko na kung ano ang magiging trabaho natin for our future." I grinned at him. Wala pa ring emosyon ang kaniyang gwapong mukha. Wala akong pakialam kung sabog siya o ano. Basta ang alam ko gusto ko talaga siya. "You know what? You're annoying," he hissed at me. Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon at inis na nag-iwas ng tingin. "It's a natural feeling when love and hate collide," I said instead, batting my eyes like a love sick teenager. Lalo siyang nainis sa aking ginawa na siyang lalo kong kinaaliw. Naputol ang paghanga ko sa kaniya nang tawagin ako ng mga kapatid. I could here Bituin's voice coming near me. "Ate tara na, kain na tayo!" Bago pa man tuluyan makalapit ang kapatid ay hinila ko na siya palayo. I don't want her saw that the man that I adore was a pot user. Sa susunod na lang kapag matino na si Drei. Ayokong mag-alala siya sa akin. Ngunit ang usisera kong kapatid ay nilingon pa ang huli, tila naunuri. Tsismosang froglet. "Kilala mo, Ate Sinag?" "Oo, crush ko 'yon." "Luh. Dami nga niyang crush." Napanguso ang kapatid ko. Nang lingunin ko siyang muli ay wala na siya roon. Laking pasalamat ko dahil hindi na siya uusisain pa ng mga kapatid ko. Sa gwapo niya kasing iyon ay siguradong kahit sino ay mapapalingon. 'Di hamak din na mas magandang lalaki ito sa liwanag kaya agaw pansin talaga. Hanggang pag-uwi ay iniisip ko pa rin ang naging reaksyon ko kanina. I should be turn off right? Sino ba naman ang magkakagusto sa lalaking may bisyo at sabog kausap? Well, news flash, baka ako na nga 'yon. Nababaliw na talaga ako. Ginulo ko ang aking buhok at saka sinubsob ang mukha sa kama. Naguguluhan din sa sarili. Imbis na pagkainis ang maramdaman nang malamang gumagamit siya ng m*******a ay awa ang mas nangibabaw sa akin. That guy was something. Hindi siya iyong basta na lang nagbibisyo lang, something was definitely going dark on him. His deep-set black eyes says it all. Oo, may halong kalokohan ang mga titig na iyon pero kitang-kita rin doon ang lungkof. Perhaps, family s**t. Napagdaanan ko na rin naman kasi iyon pero hindi ko naman kinarir. I was into weeds when I was in high school at kabi-kabila ang cutting classes kaya nga huli na ako naka-graduate. Ngunit sa huli, naisip ko na ako lang din naman ang aasahan ng mga kapatid ko kaya tinigil ko na ang kabaliwang iyon. I woke up on my misery nang mag-agaw buhay si Bituin dahil sa sakit niya sa puso. From then on ay pinangako ko sa sarili kong aalagaan ko na sila na siyang hindi magawa ng mga magulang namin. I called Luhan para ayaing mag-bar. Agad namang pinaunlakan iyon ng bakla dahil may problema rin siya sa papa niya. Best friends goal talaga iyong father and daughter- father and son relationships namin. Birds with the same s**t together, drink together. Gaya nang nakagawian ay nag-akyat bakod na naman ako upang makapuslit. Buti na lang at ang malditang aso ay mabait at tiningnan lang ako habang umaakyat ng gate. Na-realize niya siguro na mas maldita ako sa kaniya at hindi niya ako kaya. Nauna akong makarating sa bar. Um-order na agad ako ng ladies drink at saka nagnilay-nilay. The night was still young kaya iyong mga kasama ko sa loob ay nasa katinuan pa. They were just flirting and talking. Most of them were from the university where I came from. "Hi, Sinag. Ngayon lang ulit kita nakita, ah," biglang sabi ni Ashley na sumulpot lang sa tabi ko. I c****d a brow with her sudden approach. "Oh, don't feel bad about it. Gusto lang kitang maging friend." "The last time I remember I pulled your hair because you bullied my sister Bituin. So, tell me?" I smirked and get closer to her. "Do you still want me to be your friend?" Napalunok siya sa ginawa ko. Kahit anong confidence ang ibudbod niya sa katawan niyang bwakanang b***h siya ay hindi niya maitatagong takot siya sa akin. Dapat lang naman talaga dahil pinagbintangan niyang nilalandi ni Luhan si Bituin. Ang babae kasi ay may gusto sa bakla kong kaibigan. Isa pa 'yon, sarap itirintas ang bulbol. Ayaw pa kasing umamin na animal siya! Napahamak tuloy ang kapatid ko. Agad na napalitan ng matamis na ngiti ang kaninang takot. Tagusan ang kaniyang tingin sa aking likuran. Nang lumingon ako ay naroon na si Luhan. Sambakol ang mukha at kunot ang noo. Gwapo talaga nitong baklang 'to. "Kanina ka pa? Sorry, I'm late. Hirap kasi takasan ni papa," sabi niya sabay upo sa bar stool. Parang tanga si Ashley na nakatitig lang sa kaniya habang nakangiti. "Hi, Luhan, I'm Ashley," pakilala ng huli. Iniumang niya ang kamay kay Luhan pero tinitigan lang 'yon ng bakla na parang diring-diri. Aba, smooth din ang babaeng ito. "I'm gay, Ashley." At sa isang iglap ay gumuho ang pangarap niya. Natawa ako nang malakas nang mag-walk out ang schoolmate ko. "You're rude," I told him. "I'm just telling her the truth. Well, it is definitely the truth." "Asa ka. Akala mo naniwala? Hindi naman agad titigil 'yun. Mukha ngang nag-walk out lang dahil hindi mo tinanggap ang kamay. Napahiya siguro dahil nakatingin dito 'yong mga b***h-esa niyang bwakanang friends." "Whatever." He take a sip on his drink before talking again. "I will be transferring to another school. Kung kelan naman gusto ko iyong mga classmates ko." "Hulaan ko. Immaculate Colleges, Brgy. Ibayon Silangan Naic, Cavite, Philippines!" Masiglang sabi ko na tila ba isang beauty queen. "Ano? Magkasama na naman tayo?!" "Bakit choosy ka? Ganda ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD