"Babae mo ba 'yon? Bakit ka kilala non? Ha?! Ha?!" Nanggigigil kong sigaw kay Drei. He looked in panic and I don't care. Dapat lang siyang mag-panic dahil kaiba naman talaga na kilala siya ng may-ari ng bahay na inuupahan ko tapos sir pa ang tawag sa kanya? Aba matindi! Ano 'yon endearment nila tapos si Helen Matro ang ma'am? Parang umakyat iyong dugo ko sa ulo. Galit akong tumungo sa kusina at kumuha ng kawali. It was a cast-iron pan na bigay ni mommy. "Magsabi ka ng totoo kung ayaw mong ma-comatose!" Bulyaw ko kay Drei. Nanlalaki iyong mga mata niya habang nakatingin sa nakaambang kawali sa kanya. "L-Love, no. She's my secretary!" Nagkunot ako ng noon. "Totoo ba 'yan?" Ako naman iyong nanlaki ang mga mata nang mapagtanto ang ibig sabihin ng narinig. "Y-You mean this house is yo

