Awtomatikong nagpintig ang ulo ko nang makarinig ng katok. Pagtingin ko sa orasan ay alas nueve na ng gabi. I still felt tired and sleepy. Dahil siguro sa pag-iyak at pagod ng isip sa mga nangyari mula kagabi hanggang sa makauwi ako ng bahay. Bumuhos sa ala-ala ko iyong naging komprontasyon namin nina Mommy at Daddy. Kahit ang mga kapatid ko ay hindi ko pinansin nang makita ko sila sa sala bago ako umakyat ng silid ko kanina. I suddenly felt weak and out of life. Para akong tamad na tamad sa buhay. Gusto ko lang magkulong sa madilim at tahimik kong silid. Matulog nang matulog. I yawned as I put back my phone on the bed side table. "Ate.." It was Bituin's voice. Malalim akong napabuntong hininga. Inayos ko muna ang sarili bago ko pihitin ang seradura ng pinto. "Hey," I greeted her. "Pa

